"

Kumakanta nanaman si Blair, “panget si ate! Panget si Ate! Ang taba-taba!”

Whatta kid.

"

Naglalaro sila Meg ng bahay-bahayan sa labas ng bahay nang biglang sumigaw si Blair:

Blair: Ayoko na! Ang boring! Lahat imagination! Yung pera, dahon. Walang TV! Walang Kama! Walang Pagkain!

Ako: Bakit ayaw mo?

Blair: Super boring. *straight face*

Bell ng Medal Ko.

I was busy eating my lunch when Blair went downstairs.

Blair: Ate, nakita mo ba yung bell ng medal ko?

Confused kung anong bell yun.

Ako: Hindi.

He wasn’t satisfied with my answer so he asked me again. Same answer he got.

Bumaba naman si Ate Agnes(kasambahay namin).

Ate Agnes: Axl, nakita mo ba yung bill ng Meralco?

Ahhhhhhhhhhhh. Got it. Bell ng Medal ko = Bill ng Meralco!

Lolo Na.

Nagbababad sa tubig si Blair nang pinagalitan siya ni Ate Agnes:

Ate Agnes: Magkakasipon ka niyan! Magbanlaw ka na.

Blair: Look oh! Lolo na yung hands ko! (pertaining to his kulobot hands kapag nabababad sa tubig)